S A D P P
KALAYAAN, LAGUNA

DIOCESE OF SAN PABLO
SAN ANTONIO DE PADUA PARISH
SAN ANTONIO, KALAYAAN, LAGUNA
HERE ARE SOME QUICK FACTS ABOUT OUR PARISH
PARISH NAME
SAN ANTONIO DE PADUA PARISH
TYPE
PARISH
FEAST DAY
JUNE 13
DIOCESE
DIOCESE OF SAN PABLO
PARISH PRIEST
REV. FR. PABLO T. BUGAY JR.
PATRON SAINT
SAINT ANTHONY OF PADUA
VICARIATE
VICARIATE OF SAINT JAMES THE APOSTLE
DATE ESTABLISHED
FEBRUARY 26, 1992
TITULAR
SAN ANTONIO DE PADUA
PARISH HISTORY
Noong kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang kapilya ni San Antonio de Padua sa barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna ay binomba ng mga hapon na nagresulta ng pagkawasak na halos buong kapilya. Ang maliit na bahagi ng dambana lamang ang natira, subalit ito ay sirang sira na din. Maraming kalalakihan ang pinagpapatay ,dahilan para lisanin ng madaming tao ang lugar upang manirahan sa malalayong lugar o magtago kaya ang simbahan ay lubos na napabayaan. Sa paglipas ng panahon, pagkatapos ng digmaan ay nanumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao sa barangay ngunit ang kapilya ay nanatiling sira. Mahabang panahon na ang mga guho ay hindi ginagalaw ng mga tao. Ngunit noong dekada 70 sa pagnanais na magkaroon ng banal na misa sa nasabing lugar ay nagsikap ang mga tao, sa pamumuno ng noon kura paroko ng Parokya ni San Juan (na siyang nakakasakop sa kapilya ni SannAntonio) ay naitayo ang maliit na istraktura na nagsilbi din paaralan - ang San Antonio Academy. Ginagamit ito bilang paaralan mula lunes hanggang biyernes at kapilya tuwing sabado at linggo. Ang nasabing istraktura ay gawa sa mga kahoy at kawayan. Makalipas ang 2 taon ay inilipat na ang paaralan sa lugar na kinatatayuan ngayon ng Liceo de San Antonio de Padua. Dumating ang panahon, sa pamumuno ni Rdo. Padre Ramonchito Cariño, na siyang kura paroko ng Parokya ni Juan at ni Rdo. Padre Mariano Villamir ay sinimulang itayo ang simbahan sa paggamit na ng mga bakal, hollow blocks at mga semento. Ang natirang bahagi na sinira ng digmaan ay ginamit pa din na nagsisilbing bahagi ng altar ng simbahan. Naging isang parokya noong Febrero 29, 1992. Sa paglipas ng panahon, unti-unti ng gumuguho na ang likod na bahagi ng simbahan (ang nasabing bahagi na natira sa pagbomba noong panahon ng digmaan) Ayon sa pagsusuri ng mga "experts" - mga engineers at contractors, ay kailangan na talagang gibain ang nasabing bahagi dahil sirang sira na talaga at delikado na sa mga taong nakatira malapit sa nasabing bahagi.
Sa ngayon ito ang proyekto ng aming parokya na kailangan na maisagawa sa madaling panahon. Wala kami gaano pagkukuhanan ng pera dahil isa kami sa pinakamahirap na parokya sa buong diyosesis ng San Pablo. Umaasa kami sa mga tulong na nanggagaling sa labas. Kaya ngayon ay sobra ang pagsisikap ng mga tao na kahit sa maliit na halaga ay makatulong sila na maiayos na ang simbahan.
Patuloy ang aming paglilikom ng pera para magiba at makapagpatayo na ng mas matibay na simbahan kahit man lamang ang bahagi ng dambana. Umaasa kami na ito ay agad ng mapasimulan na at maipatapos bago sumapit ang taong 2024.
Iyan ang pangarap ng buong parokya - mabigyan ng maganda, maayos at ligtas ng tahanan ang Diyos dito sa aming parokya.